"To travel in this life, is to journey with sacrifice"



Huwebes, Hunyo 9, 2011

Puerto Princesa

Bago pa ako makarating sa Hongkong, Singapore At Kuala Lumpur, pangarap ko na talaga makarating sa Palawan.. Good thing, gusto makasakay ng anak ko sa eroplano at gusto din nya makakita ng crocodile, Medyo bad timing lang kasi June, simula na ng pasukan.. Anyway, nagbook pa din ako kahit 1 day lang.. Para matupad ang aking pangarap, at pangarap ng aking anak...

First time ni Aaron sumakay sa eroplano.. pero hindi si Mica na ilang ulit na sumakay...
                                                           nasa window sya, palit ni Mica
                                                                 Mica and Aaron

Palawan na...

   Paglabas namin ng airport, sumakay na agad kami ng tricycle, sa Jollibee gusto kumain ng mga bata, so nagpahatid ako, kinausap ko din yung driver kung pwede nya kami ihatid sa crocodile farm, sabi nya 300 daw.. pumayag naman ako, basta hintayin nya kami kumain at makapag check in muna.. Wala pa ako reservation, kasi gusto ko makita muna yung place at makapag compare, Sa Duchess Pension kami tumuloy 850 pesos per night, okay na din, binaba ko lang yung gamit namin at derecho na ng crocodile farm,.. Mabait naman yung tricycle driver, sabi nya kung gusto namin dumaan sa Baker's Hill, sabi ko sige..




   Pagkatapos sa Baker's Hill punta naman kami sa Mitra's Ranch.. Di naman kami nagtagal, di interesado yung mga bata, gusto na nila sa crocodile farm, at isa pa, baka di na kami umabot.. 4:00 pm na..


Tapos, nagpahatid na kami sa may palengke, para bumili ng tubig at iba pang kailangan ng mga bata.. Pero yung tricycle driver, humingi ng additiona para daw sa paghihintay nya, ayaw nya pumayag ng 100, gusto nya 500 ang ibigay ko, which is lugi ako, dahil di naman ganun kalayo at 500 lang pwede na mag city tour.. wala pa naman kami 2 hours.. Anyway, pagdating sa Market na aliw kami ng mga bata, bumili ng kasoy at mga souvenir.. 5 pesos lang ang keychain, nakakaaliw din ang mga design, pero mas naaliw ako ng makakita ako ng South Sea Pearls, wala ako masyado idea sa presyo compare sa greenhills, ang alam ko lang sa mall, eto picture ng nakakaaliw na pearls


   South Sea Pearls yung mga bilog, mabigat at medyo warm paghinawakan, ang price? para sa pair ng earrings 3,000 yung maliit upto 6,000.. yung necklace 10,000-20,000.. depende daw sa bilang ng pearls. Pero kung kulang naman ang budget, meron naman mga Fresh Water Pearls na sobrang mura..
  Napagod na ang mga chikitings, balik na kami sa Duchess para magpahinga, nung 8:00 na, lumabas naman kami para kumain,. Sa mang inasal lang kami kumain, yun ang gusto ng mga bata... Huhuhu.. Wala pa ako nakain na specialty dito..
  Kinabukasan, maaga ko ginising ang mga bata para pumunta sa Plaza Cuartel,



   Wala naman talaga makikita dito, parang park lang talaga.. medyo nga nakakatakot pa, kasi kami lang ang tao pero naging interested ang anak ko nung nabasa nya ang history nito.. Ahh, ganun pala mommy.... Pagkatapos, naglakad na kami, katabi nito yung Cathedral, naghahanap na kami ng makakainan, lakad dun, lakad dito.. 7:00 am na pero parang sobrang aga pa, may mga estudyante na sa labas.. pero walang bukas na makakainan... Hanggang narating namin yung baywalk..

   Nagmamadali yung dalawa para makita yung tubig... wow, ang sarap maligo.. di ba tayo maliligo mommy?.. Oo nga naman, naisip ko, pero 2:00 pm ang flight namin.. Sa isang karinderia kami kumain ng breakfast, kanin at isda.. Nasarapan yung mga bata.. 9:30 am na.. mahaba pa ang oras, pagsakay namin ng trike, nagpahatid ako sa prestine beach.. 50 pesos daw, sabi ko okay.. pero nung nasa malapit na kami, lagot, parang walang nagbabyahe pabalik, kaya sabi ko sa driver hintayin na lang kami, 100 per hour daw, pumayag na ako..

   Ang sarap ng tubig.. at hindi na nila napigilan pa..

   11:00 na kami natapos, Oopps, ayaw pa nila, pero 2:00 pm ang flight namin, inawat ko na lang... hehehe. at least nakapag beach na din sila kahit wala sa plan.. 12:00 naka check out na kami, medyo gutom na ako, tinanung ko yung driver saan pwede kumain na malapit na lang sa airport.. sabi nya may malapit daw na Choa longan.. humm.. matikman nga..

   Masarap yung soup nya, pero di type ng kids yung mint leaves.. 1:15 na kami dumating sa airport, kaya lang delayed ang flight namin kasi masama daw panahon sa manila.. napagod tuloy ang kids sa paghintay almost 2 hours..

 Sa wakas dumating na din ang eroplano...

Salamat at nakauwi kami ng maayos, kahit na malakas ang ulan...