"To travel in this life, is to journey with sacrifice"



Linggo, Enero 24, 2010

Hongkong DIY Trip

  First time to travel outside the country, medyo kinakabahan, since we did not avail of package tour, super research ang lola mo...
  Galing sa office ng 5:oo PM. derecho kami ng pampanga para sa flight namin next day sa clark.. Since wala naman kami ibang tutulugan, sa Main Office namin sa Angeles City kami natulog, este nagpalipas ng magdamag.. di kasi ako makatulog, di naman sa excited pero di talaga ako sanay na makatulog sa ibang bahay basta-basta...
  4:00 am ready na kami para sa flight ng 7:05 am...Thanks sa mabait naming boss, hinatid kami sa airport..

    Diosdado Macapagal Airport

   Wala pang tulog yan... Flight 7:05 AM.. 8:50 na sa hongkong na kami...

       Hongkong International Airport

   Yehey!! na sa Hongkong na kami, medyo napaisip ako, nung 9 years old ako, promise ni tatay dadalhin nya ako sa Ocean Park, Nuon wala pang Disneyland.. Ngayon nasa Hongkong na ako, 30 years old na ako, pero wala na si tatay..
   Dahil nagresearch kami ng bongga ng kasama ko, familiar na kami sa Hongkong airport, napanuod namin sa youtube.. hehehe, kahit ang laki ng airport di naman kami naligaw.. Pinakyaw namin lahat ng maps. Bago lumabas ng airport, bumili na kami ng octopus card na gagamitin namin sa transpo at ibang entrances.. Paglabas namin ng airport, hinanap namin yung bus na A21, papunta sa Kowloon, dun kasi kami nagbook ng hostel namin.. syempre, first time, sa itaas kami sumakay.. para makita namin yung view..
    Tsing Ma Bridge

   Nasa Hongkong na nga kami, eto yung first view na nakita ko, Tsing Ma Bridge... Pagkatapos medyo nakakaramdam na ako ng gutom.. hehehe, nagbook kami ng hostel sa Mirador Mansion, USA hotel yung name, parang 1,750 per night, First kapalpakans, dahil nga first time namin, tingin kami ng tingin sa paligid.. Daming sale sa kahabaan ng Nathan Road.. hehehe, tapos nabasa ko, Mirador Mansion na.. Ooops!! lumagpas kami sa bus stop.. Tinanung ko si mamang driver kung saan ang next stop at ganu kalayo ito.. Hummm.. dedma sya.. parang wala syang narinig., Anyways, di lang naman kami yung lumagpas, madami kami... Good thing, malapit lang pala yung sumunod na bus stop.. super lakad kami pabalik.. Wala pang 12:00 noon kaya di pa kami nakapag check in, so iniwan namin yung baggage dun sa hostel at super hanap na kami ng makakainan... Syempre must try yung mga noodles, kaya lang sa sakit ng ulo ko, lalo ako nahilo sa spices na nakalagay..
   Since, wednesday kami dumating, Free ang entrance ng Museum of History at Hongkong Science Museum.. pagtapos namin kumain, naglakad na kami papaunta dun.. Take note, medyo malayo din, pero ok naman lakarin, madami kang makikita..
          Hongkong Science Museum

       Hongkong Museum of History

   Pagkatapos, bumalik na kami sa hostel para magpahinga ng konte, hehehe, as in saglit lang talaga, dahil 30 minutes lang, tapos pasyal na ulit, dahil thursday the next day, hinanap ko muna yung church namin.. Lahat ng tinanung namin mababait, I want to take note yung sa Citibank, yung girl dun di masyado marunong mag english, ginoogle nya yung map, tapos pag print nya, inexplain nya sakin how to get there!! Bait..
   Hinanap namin sakayan ng star ferry, as in by foot lang talaga ha.. tapos na tempt kaming sumakay.. 1.50 hk pamasahe, may octopus card naman kami, ayun, presto sakay agad!!
   Pagdating sa Central, ikot-ikot lang kami, dami talaga Pinoy dun sa Central, may isang building na puro Filipino food ang tinda,.. Anyways, naghanap din sana kami ng discounted park tickets, kaya lang sarado na mga shop, as early at 6:30 Pm yata... bumalik na din kami agad, para naman mapanood yung Symphony of Lights.
   View from Star Ferry
   Pagbalik sa Tsim Sha Tsui, hanap na agad kami ng magandang pwesto para mapanuod yung Symphony of lights, ilang minuto, nagsimula na din..
        Symphony of Lights

  Nakakaaliw yung mga ilaw, pagtapos nun, punta kami ng Avenue of Stars tapos natulog na.. pero dahil lakad na naman.. dumaan muna kami sa Mcdo, I love Strawberry Shake.. hay, nakakaalis ng pagod at gutom.. We need more energy para sa Disneyland next day... yung kasama ko nakatulog agad, ako namamahay pa din..
  2nd day.. Disneyland!! Ito lang talaga ang itinerary namin for the day.. pero maaga pa, nakaready na ako, nag church muna ako di pa gising mga tao, malamig sa labas.. Nung pabalik sa hostel, nakita ko madami ng tao, lahat nagmamadali sa paglalakad, tinitignan ko sila, tapos lahat ng bakeshop busy din, ito yung gusto ko kainin, kaya lang  busog pa naman ako, pinicturan ko na lang.. hehehe

   Sinundo ko lang kasama ko tapos derecho na sa Disneyland...

        riding @ Disney Train







        waiting for fireworks display
  Di na ako nakapag picture nung nag start na yung fireworks, nanood na lang ako.. pagkatapos ng fireworks, nakaramdam na kami ng pagod.. pero dumaan pa kami sa Mongkok, para bumili ng pasalubong.. nakakaalis sa Fa Yuen st. dun maraming rubber shoes.. kabikabila ang nike stores at adidas.. pati mga giordano.. Dahil napagod na kami nakatulog naman ako pag uwi namin..
   3rd day, Ocean park... Excited ako, gusto ko makita yung mga kinukwento ni tatay.. yung pagsakay ng cable car.. dolphins, rides.. Hay..




Mas enjoy sa Ocean park.. mas malaki pa kesa sa Disneyland, kaya lang sobrang lalayo ng mga attractions, kakapagod talaga.. The next morning back to Clark na kami, sumakay kami ng bus papuntang Megamall..  
  Marami pa din kaming din napuntahan, pero nag enjoy naman kami, kulang pala ang 3 days.. dapat mas mahaba pa ang bakasyon..


      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento